Wednesday, March 14, 2007

Kaya naman pala ng 2 oras, bakit pa pala ako naghintay ng dalawang linggo para gawin ung exercise sa 131? tsk tsk.. nakakaasar.
Parang hindi nagiisip.
Masaya naman pala gumawa ng assembly language program. Konting basa lang sa internet alam na ang syntax. Sana ganito na lang ako palagi, ginaganahan na parang may katuturan ang buhay.
Ngayon tapos na ang sinabi kong kailangan ko matapos ngayong gabi. Naabot na ang short-term goal. Na-surpass pa nga. Naipasa na at lahat. Bakit pa ako nagsusulat? Kailangan ko na matulog, may exam pa bukas nang maaga. Ewan, ayaw pa tumigil ng utak ko. Nagka-momentum kasi sa mga natutunan sa assembly, ayan ayaw tuloy magpahinga. Control, ray. Kailangan mo matuto nyan. Kailangan ng disiplina. Gawin ang dapat gawin. Yun na.

No comments: